Ang akin mga mata ang bintana ng aking kaluluwa,
Sa bawat sulyap, ako'y muling nakakakita.
Hindi ikaw, hindi sila, hindi ang mundo—
Kundi ako, ang totoong ako.
Sa unang tingin, akala ko'y kilala ko na,
Ngunit sa ilalim ng balat, may hiwagang nakatago pa.
Ang tapang na hindi ko alam na nasa akin,
Ang liwanag na kay tagal kong itinanggi sa dilim.
Nakikita kita—ang sarili kong lakas,
Ang apoy na kaya palang lumiyab kahit sa pagluha’t bigwas.
Nakikita kita—ang sarili kong takot,
Na ngayo’y unti-unting hinaharap, natutuklasang may sagot.
Ang akin mga mata ang bintana ng aking kaluluwa,
Nakikita ang mga sugat na dati’y ikinahihiya.
Ngunit ngayon, ang bawat peklat ay isang kuwento,
Isang paalala na kahit madapa, kaya kong bumangon muli’t magtagumpay dito.
Nakikita kita—ang mga pangarap na iniwan,
Ang mga sigaw na natulog sa kailaliman.
Ngayon ay gumigising, umaangat, bumabangon,
Nagiging musika sa tahimik kong kahapon.
Ang akin mga mata ang bintana ng aking kaluluwa,
At sa wakas, natutunan kong tanggapin na.
Na sa bawat takot, may lakas na nakatago,
Na sa bawat pagkaligaw, may landas na binubuo.
Nakikita kita, hindi bilang perpekto,
Kundi bilang isang tao—malakas, marupok, totoo.
Ako’y magpapatuloy, magpapakilala,
Sa sarili kong mundo, ako ang mag-aalaga.
Ang akin mga mata ang bintana ng aking kaluluwa,
At sa wakas, hindi na iba ang nakikita.
Ako ito—buo, totoo, handang lumago,
Ako ito—ang sarili kong tanawin, aking paraiso.
It’s been months since I last recorded a voice memo, but today, I finally found the courage to pick up my mic and record this poetry I wrote this morning. I’ve always been curious about how our eyes are said to be the windows to our souls—not just to see our reflection or outward appearance, but something deeper.
In this piece, I explored how I see myself—my strengths, my weaknesses, how I cope, and the person I hope to become. It all started with the line, "Ang aking mga mata..." and, to my surprise, within an hour, I had written something I felt truly excited to share.
Now, I want to leave you with a question: How do you see yourself? Have you taken a moment to look inward, beyond what others see?
I hope you enjoy this piece. Feel free to send me an email—I’d love to hear your thoughts and share perspectives!
Love,
Karlo (Batikaang) 🧚🏾
Share this post